Menu

A JOURNEY WITHIN

by: IMELDA ORTIZ

 

We are workers, not master builders, ministers, not messiah. We are the prophets of the future not own.” (Archbishop Oscar Romero)

                  This is one of my favorite quotes from the reflection of Archbishop Romero. That reminds me always of getting back to myself of doing God’s mission.  It was December 1999, when I became a full pledge member of Philippine Catholic Lay Mission. I was so excited, happy and ready to embark to a new adventure in my life. Imagine, fresh from formation, full of ideals and knowledge I almost cannot wait to go to our first mission area. I and my partner in mission know very little about the place and were only told it was a poor Parish. True enough, it was a very poor Brgy. Parish, located at Mauraro, Guinobatan , Albay. I remembered I was shocked with the situation; it was less than of my expectation, then questions it came to my mind, how am I going to survive in this place? How are we going to organize BEC in the far flung barangays on foot? Doubt slowly creeping on my heart, the self-confidence that I built in myself started eroding. But deep within me, I heard a small voice, saying don’t worry everything will be going alright, do what I tell you and I will do the rest. I knew instantly, it was God speaking to me, giving His assurance and asking to trust Him. And I said, OK God, it’s up to you then!

 For two years of mission at St. Vincent Ferrer Parish, I saw God’s hand work with me. Yes, it was physically tiring but spiritually enriching. The parishioners are poor but generously rich in sharing their time, skills and most of all they are open for a change, to become a participative Church, a CHURCH of the POOR, and with the full support of the Parish Priest it was a success.

 

Six months prior to finish our mission. My director asked me if I want to do a mission in foreign land. Without hesitation I said a big “YES”. My heart desire to do God’s mission is burning like a coal, I was so inspired. But then, my first year of mission on foreign land was far different of doing mission in my homeland. I struggle a lot; it was my difficult time of being a missionary. I became emotionally and spiritually disturbed. I forgot to let go and not to bring anything with me. To accept the reality that I have to start from ground zero, learned from the people, accept other culture and different faith. As days and months passed, I realized God is teaching me to be humble and simple in many ways. Then one day, I read a reflection that it says like these: “Our task in approaching another people, another culture, and another religion, is to take off our shoes, for the place we are approaching is holy. Else we find ourselves treading on another’s dream. More seriously still, we may forget that God was present before our arrival.” – (Raymond Hammer) it struck me point blank, it was an eye opener to me. Right then and there, I asked God to help me, bless me and let me embraced the reality of mission on foreign land. Suddenly, I heard again the tiny familiar voice, saying let go and let God.

 My ten years of doing mission in Thailand was amazing, it gave me the opportunity to grow as a person, full of blessing, rich in experiences and yet very challenging. As I journey with the struggle of the people I worked with, at times I got weary, tired and frustrated but through it, I recognized my own spiritual poverty before God. Hence, I have to recognize the joy of relationship, intimacy and friendship with the people I encountered in my daily life. I have to make the possible effort to make peace and harmony to myself and with all beings. And then in Simplicity, I have to trust God with His constant love to me. Once again, I have to remind myself of what Archbishop Oscar Romero’s words: “We are worker, not master builders, ministers not messiah. We are the prophets of the future not our own.”

 Lastly, I’m so grateful with all the opportunities that given to me. And all the people that became a part of me. Because of you, I became what I am right now. To God be the Glory!

 

It's More fun in Mission!

Vocation Sharing of Gerald "Jep" Joseph de Joya, Vocation Animator for Luzon at the National Shrine of Our Mother of Perpetual Help, Baclaran on November 12, 2012. 

Magandang araw po sa ating lahat! Bilang isang misyonero ang isa sa aking mga tungkulin ay magturo at dahil sa ang aking unang mission assignment ay sa Polangui, Albay, Bicol region ay tuturuan ko kayo ng kaunting bikolano na mga salita. Sa bikol region po ay marami silang mga lenguahe. Halimbawa: Itlog sa tagalog, sugok sa Naga, bonai sa Polangui. Ibon sa tagalog, gamgam sa Naga, bayong sa Polangui. Kaya kung kayo ay pupunta sa Polangui ang bayong ay lumilipad! Panginoon sa tagalog; Kagurangnan sa Bicol, Magulang sa tagalog; Magurang sa Bicol, alagaan sa tagalog; atamanon sa bikol, anak sa tagalog; akos sa ringkonada, pusa sa tagalog; icos sa bikol. Dahil sa ako’y isang bisaya, tubong Davao City trying hard ako na matutong magbikol. Kaya makalipas ang isang buwan sa Albay ako ay naglakas loob na magbigay ng pagbabahagi o sharing  kagaya nito in straight bikol na may halong ringkonada. Sa kalagitnaan ng aking pagbabahagi ay hinamon ko ang mga magulang na alagaan nila ng lubusan ang kanilang mga anak. Sa bicol: Kaya kamo mga magurang atamanon nindo nin marhay an saindong mga ikos! Biglang nagtawanan ang mga tao, at dahil sa di naman  ako nagbibiro tinanong ko ang isang manang kung bakit sila nagtawanan. Ang sabi nya: brother ang sinabi mo po ay mga magulang alagaan ninyo ng mabuti ang inyong mga pusa! Nalito ako sa pag-gamit ng acos na ibig sabihin ay anak at ng icos na ang ay ibig sabihin- pusa! It’s more fun in mission!
 
Dahil sa malayo ang aking mission area sa parokya, kailangang maglakad ng onseng kilometro paakyat ng bundok na kalimitan ay nabibisita lamang ng pari isang beses sa isang buwan upang mag-misa kaya ako ang nagsasagawa ng para-liturgy sa patay. At dahil sa iyon ay ang huling araw ng burol nakahanda na ang lahat ng pakain para sa kinabukasan. At sa isip-isip ko sa wakas ako ay makakakain na naman ng karne! Pagkatapos ng Gawain ako ay nakihalobilo sa mga nakikiramay at di nagtagal ay tinawag ng balo upang kumain at sa isip-isip ko sa wakas ito ang pinakahihintay ko dahil sa ako’y gutom na gutom na! Dahil sa nakaugalian nating mga pinoy na espesal kapag bisita, ako raw ay may espesyal na lugar sa loob kaya doon ako kakain. Ako ay takam na takam nang kumain dahil sa gutom ngunit sa pagpasok ko ay nawala bigla ang aking gutom dahil sa ang espesyal na lugar na inihanda para sa akin ay katabi ng kabaong! It’s more fun in mission!
 
Isang beses ako ang  namuno ulit ng paraliturgy sa isang 1st year death anniversary sa aking mission barangay at akoy tuwang-tuwa pagkatapos dahil pinadala sa akin ang lahat ng klase ng kanilang handa. At dahil sa marami akong dala ay ikinuha na nila ako ng motorsiklo. Nasa kalagitnaan ng byahe ay biglang
 
 
nadulas ang motorsiklo na aking sinakyan. Tumama ang aking ulo sa isang malaking bato! Pero hindi po nabagok ang ulo ko dahil sa ang hawakhawak ko na tatlong piling na saging ang syang naging pananggalang ng ulo ko sa bato! Nagkaroon man ng konting mga galos sa braso at binti ay matiwasay naman na nakabalik sa bayan. Masasabi ko parin po na, it’s more fun in mission!
 
Sa kabila ng lungkot at hirap, ang mga pagkakataong “more fun in mission” ang nagbibigay ng sigla at saya sa aking bokasyon sa misyon sa loob ng limang taon!
 
Ako po si Gerald de Joya, at sa awa ng Dios ay single pa rin ngunit pwedeng mag-asawa sapagkat ako’y hindi isang relehiyoso higit sa lahat ako ay hindi pari. Ako po ay kagaya ninyo; LAYKO, subalit ako ay full time sa misyon! Isa akong laykong misyonero ng Philippine Catholic Lay Mission o PCLM. Ako po ngayon ay naatasan ng aming organisasyon na maging isang recruiter; hindo po illegal kundi isang legal recruiter o vocation animator ng PCLM. Ang Philippine Catholic Lay Mission po ay grupo ng mga Pilipinong lalaki, babae at mga mag-asawa na full time sa mission sa ibat-ibang bahagi nga ating bansa na nagtataguyod ng Munting Sambayanang Kristiyano o Basic Ecclesial Communities o BEC. Kami rin po ay may mission sa labas ng ating bansa tulad ng Japan, Thailand, Myanmar, Thailand at Cambodia. Sa loob ng 35 years, kami ay nakapagpadala na ng 190 na mga laykong Pilipinong misyonero sa ibat-ibang bahagi ng ating bansa at sa America, Africa at Asya. Hindi po kagaya ng mga pari at mga relehiyoso na ang kanilang commitment ay panghabangbuhay, sa amin po ay temporary lamang o pansamantala lamang, ibig sabihin contractual hindi pang habang buhay. Kaya kung gusto ninyo na maglaan ng kahit konting taon sa buong buhay ninyo para sa misyon ang Philippine Catholic Lay Mission ay para sa inyo. Kung kayo po ay Pilipino; binata, dalaga, o kahit na mag-asawa, 22 to 45 years old at gustong mag fulltime sa mission makipag-ugnayan po sa akin pagkatapos ng misang ito sa booth na nasa harap ng simbahan.
 
Dare to share your love to the world. Be a part of our mission!
 
Maraming salamat, Dios mabalos saindo gabos, daghang salamat sa inyong tanan, at muli magandang araw po sa ating lahat.

SUPPORT US

HELP SUPPORT OUR LAY MISSIONARIES AND ALL OUR MISSIONARY ENDEAVORS BY SENDING YOUR DONATIONS TO OUR BANK ACCOUNT

Bank of the Philippine Island (BPI)

Peso Current Account # 0211-0307-71

Dollar (USA) Savings Account # 0214-0106-07

Misyonero